Jun 9, 2010

PortYir

Nagsimula ang lahat sa eskwela
Pumasok ng walang kakilala
Katahimikan ay di mawala
Nang magkakilala, kulita'y kumawala

Kasayaha'y umusbong
Mga tawa'y kay lulutong
Kung mag-asara'y puro gatong
Ngunit kung magmahala'y, pulu-pulutong

Kung minsan, puso'y di mapigilan
Kaya't nahuhulog sa kaibigan
Pag-ibig na di maiwasan
Kung minsa'y may kasawian

Ngunit ano pa man ang mangyari
Pag-aaral ang dapat maghari
Kahalagahan ng Edukasyo'y mawari

Kung kaya't ito'y bigyang puri


Ngayong matatapos na
Ating pagsasama
Sana'y walang wakas
Pagmamahalan nating wagas

`Para sa lahat ng fourth-year students~ <3

No comments: