Mayroon akong paaralan
Golden Values ang pangalan
Hindi man kalakihan
ngunit maipagmamalaki ng karamihan
Ito ay maraming kagandahan
sa loob at labas ng silid-aralan
Mga magagandang katangian
narito sa aming eskwelahan
Mga masisipag at kagalang-galang guro
dito sa amin matatagpuan
Mabubuti at magagandang itinuturo
dito sa ami'y pinahahalagahan
Marami man silang naririnig na kuru-kuro
ito'y patuloy pa ring nilalagpasan
Mga guro nami'y mabubuting tao
kaya't dapat respetuhin ng sino man sa ating bayan
Ngunit paano makukumpleto
ang isang paaralang wala nito?
Mga mag-aaral na bumubuo
ng mga ideya sa loob nito
Pasaway man at makukulit dito
marami rin namang talentado
Isang buong pamilya ang makikita mo
sa loob ng paaralan ko
Maraming bagay ang makukuha sa paaralan ko
tulad na lamang ng mga natutunan namin
Paniguradong mailalabas mo ang mga kakayahan mo
dahil sa mga gurong nakaalalay sa atin
Matututong makialinsabay sa ibang tao
dahil sa mga mag-aaral na maaaring kaibiganin
Kaya't kung ika'y kulang sa ensayo
halika at tuturuan ka namin
Kung ika'y nangangailangan ng tulong
halika't ika'y aming tutulungan
Halina't sa ami'y makipagpulong
nang sa gayo'y tayo'y magkasiyahan
Dito sa amin kahit sino'y igagalang
kung kaya't ika'y walang pagsisisihan
Golden Values Academy ay hindi uurong
at patuloy na makikipagsapalaran!


1 comment:
tama
proudly Goldenians :)
-thebitterpearl
Post a Comment